REPOST: “ANG HULING PAG-ASA NG PILIPINAS”

ANG HULING PAG-ASA NG PILIPINAS Are we ready for our full potential as a nation and as a people? Ang mga tanging paraan sa Pilipinas para bumangon mula sa Third World to First World sa loob ng anim hanggang walong taon lang! (Sa tagalog at layman o pangmasang salita para sa lahat. Tumulong na ipakalat ang mensaheng ito, ipaskil sa bawat sulok ng bansa.)

1.PAGANAHIN ANG BATAAN NUCLEAR POWER PLANT(BNPP). Papano? Kung gusto may paraan. Ito lang ang pag-asa gumaan ang bayarin sa kuryente at mapagkunan ng enerhiya para sa malalaking pagawaan at industriya na sasabihin ko sa ibaba. Ang mga industriya at pagawaan na ito ay mahihirapang patakbuhin ng enerhiya mula sa mga deotermal o hydro power lalo na hinding-hindi ang MERALCO maaasahan dahil sa mahal ang kuryente nila. Ang BNPP ang magiging sentro, dito magmumula ang puwersa sa chain reaction pababa sa ibat ibang sangay ng industriya, sa mga pagawaan at kabuhayan ng buong bansa. Dagdagan pa ang Nuclear Power Plant sa ibang parte ng bansa kung kakayahin pa.(Iba po ang Nuclear “Bomb” sa Nuclear “Power”, hindi ito Weapon for Mass Destruction na pagkaka alam ng karamihan na papatay ng tao. Ang nangyari sa Japan? Ibang usapin po iyon. May nuclear power plants po ang mga bansang US, France, Japan, Korea at mga pangunahing bansa sa mundo at may mga makabagong safety procedures na sa mga planta dito) “Ang kabilin-bilinan ko kay Mrs. Corazon Aquino na ipatuloy ang Bataan Nuclear Plant kung maaari. Sapagkat, this is the solution in meeting the country’s energy demands and decreasing dependence on imported oil. Ngunit ayaw niyang tanggapin ang aking mongkahe dahil maaalala daw ng taong bayan si Marcos habang nandyaan ang Nuclear Power Plant. Anong klaseng pag iisip yan? Iyan ay paghihigante, huwag natin idamay ang sambayanang Pilipino. Balang araw makikita ninyo, 20 years from now bagsak na ang Pilipinas.” ~ Ferdinand Marcos, Hawaii, 1987.

2.UNEMPLOYMENT/JOBLESS IS A CRIME! Bawal at isang krimen ang walang trabaho na nasa tamang gulang maliban sa may malalang kapansanan. Ang pagiging walang trabaho ay isang krimen o kasalanan sa bansa. Halimbawa sa isang grupo, may limang miyembro, ang isa kain ng kain, tulog ng tulog hindi nag tatrabaho, siyempre unfair sa apat na kasama. Kung hindi madala sa pakikiusap, dapat parusahan o ikulong ang mga ganitong klase para matuto. Sila ang mga sira at may diperensyang piyesa ng makinarya kaya dapat nang linisin. Kung walang utak o tinapusan, gamitin ang katawan sa pagtatrabaho. Magsaka, mag bungkal ng lupa, mag banat ng buto! Galaw –galaw!

3.TANGGALIN NA ANG PROVINCIAL RATE. Bakit may Provincial Rate pa? Halos pareho lang naman ang presyo ng mga bilihin sa buong bansa. Ito ang dahilan kaya nagsisiksikan sa Manila, dahil sa pera, mataas “daw” na sahod. Walang bahay sa Metro Manila kaya mag iiskwater. Walang kasiguraduhan luluwas ng Manila at makikipagsapalaran baka swertehin. Maling kaisipan. Ito lang ang paraan para ma balanse ang lumolobong papulasyon ng bansa sa mga probinsya at sa mga syudad, hindi na magsisiksikan sa Manila. Malawak ang buong Pilipinas para sa mga Pilipino!

4.ISANG BANSA ISANG ARMED FORCES! Walang private army, walang rebelde, walang Islamic Army, bandidos etc. Tanggalin ito sa isang bagsakan, sa marahas na paraan kung hindi madadala sa diplomasya. Sagabal ang mga ito sa pag unlad.

5. SARILING INDUSTRIYA. Ang tagal nang naimbento ng eroplano, kotse at barko sa mundo, wala pa tayong sariling pagawaan. Magtayo at/o sumuporta ang gobyerno at ikalat sa buong bansa, sa mga probinsya, ang sariling industriya tulad ng pagawaan ng mga mahahalagang pangunahing pangangailangan mula sa pagkain at damit hanggang sa mga makina, sasakyan, bahay, tulay, kalsada,etc.. Ito ang pupuno sa mga walang trabaho sa number 2 sa itaas. Mapapagaan at mapapadali ito kapag may nuclear power ang bansa. Wala nang dahilan para mag OFW pa at mahiwalay pa sa pamilya. Gagawa ang mga Pilipino ng mga produkto at ang pangunahing makikinabang nito ay ang bansa. Hindi babayaran ang Pilipino ng mga dayuhan ng mababang halaga sa pag-gawa at ang produkto ay para sa kanila, sa Pilipino lang ang lakas-pagawa o labor ngunit ang produkto ay para sa ibang bansa. Mali po ito. Ang ganitong sistema ay isang uri ng makabagong pag aalipin o modern slavery. Ulitin natin, kung walang tinapusan hindi iyon dahilan ng kawalan ng trabaho at mag istambay na lamang. Magsaka, mag bungkal ng lupa, mag banat ng buto! Galaw –galaw! Bahagi ka ng makinarya ng ekonomiya. Huwag bumili ng sandata at barkong pandigma sa ibang bansa, sayang ang pera! Kaya naman dito gawin yan. Gawang Pilipino, Produkto ng Pilipino para sa mga Pilipino.

6. TAMANG EDUKASYON. Tigilan ang pagtutunganga sa telebisyon buong maghapon, sa mga maling sinasaksak ng mga media sa utak ng mga Pilipino. Babala: Nakakabobo at nakakabulag ang mga Istasyon ng Telebisyon sa Pilipinas! Mag basa nalang kayo ng libro! Edukasyon para sa lahat na bata. Paaralan sa bawat baranggay.Bawal ang bata na hindi nag aaral. Ituro sa susunod na henerasyon na banal at napakahalagang bagay ang edukasyon para sa isang tao, na ang walang pinag aralan ay isang malaking kasalanan sa Dios at sa bayan. Isaksak sa utak ng bawat Pilipino, lalo na sa kabataan na mas mataas silang uri at mas matalino kaysa sa mga Hapon, mga Koreano, sa mga Amerikano at sa mga German. Ito ay magbibigay gana at motibasyon para sa kanilang pagpapayaman at pagpapaunlad ng sarili. Ituro ng maigi ang kabayanihan, talino at mga ginawa ni Rizal, Bonifacio at Luna. Ito ang magiging implowensya nila sa pag aaral at pagpayaman ng sariling kakayahan. Isulong ang kampanya ng pagiging makabayan sa bawat paaralan hanggang sa “fanatic” level kung kakayahin. Ituro na mahalin ang Pilipinas, ito ang pinakamabisang paraan para magkaisa, magtulungan, panatilihin ang sariling atin at manilbihan sa bayan ng tapat. Dagdag sahod sa mga guro at gawin ang guro na isa sa pinakamataas at kagalang-galang na propesyon sa bansa. Susunod nalang dito ang pagpapayaman sa siyensya, teknolohiya at pagsaliksik, at sa ibat-ibang larangan ng edukasyon tulad ng kalusugan,tamang paguugali, agraryo, sining at kultura.

7.REPORMA SA LUPA! Gawing bahayan, pagawaan at sakahan ang mga nakatungangang malalawak na lupain at mga hacienda na pag aari lamang ng isang pamilya! Ulitin ko, Malawak ang buong Pilipinas para sa mga Pilipino! Wakasan ang pyudalismo! Sa mga working class na may average income, kailangan muna magtrabaho at bayaran ng 25 years para lang mapasakanya ang kapirangot ng lupang may maliit na bahay, samantalang nakatiwangwang ang malalawak na lupain at hacienda sa buong bansa.

8. IBALIK ANG MALA PASISMONG URI NG GOBYERNO. Kamay na bakal kumbaga.Isang boses, boses ng batas. Wala tayong napala, lalo tayong bumagsak sa huwad na demokrasya sa lumipas na higit dalawampung taon. Lalo lang umabuso sa kalayaan ang mga tao. Lumala ang kurapsyon mula sa baranggay tanod hanggang sa presidente ng bansa. Mabilis na naiwanan tayo sa pandaigdigang pag unlad. “Demokrasya daw” Sa klase ng gobyernong mala-pasismo, ang hindi sumunod, ang kumontra sa patakaran ng batas gobyerno ay paparusahan lalo na ang mga kurakot! Walang pinipiling tao, bulag ang batas walang nakikita, tinitimbang lang, kapag napatunayang nagkasala ka sigurado swak ka na sa kulungan. Mahirap ba? Hinde. Posible? Oo! Kailan? Ngayon na, sana. May iilang masasaktan lalo na sa hanay ng mga elit, may dadanak na dugo ngunit mas marami ang giginhawa at maliligtas na buhay habang panahon. Ganoon talaga ang batas ng kalikasan. Sakripisyo ng iilan para sa nakararami, hinde sakripisyo ng nakararami para sa iilan! Ang ibang pag unlad ay susunod nalang kapag nagawa ang mga nasa itaas. Wala nang lilimos sa kalsada at wala nang mga iskwater. Ito lang ang tanging paraan, wala nang iba. Ito lang ang tanging paraan, wala nang ibang paraan mga mahal kong kababayan. Hindi dilaw ang kulay ng kaligtasan mula sa pagkakalugmok sa kahirapan, hindi kayo nila ililigtas mula sa pagkakabusabos. Nakita na natin ang lahat, sana matuto na tayo. Kung hindi ito magagawa, lalong mababaon ang karamihan sa kahirapan, lalong maiiwanan ang bansa sa pandaigdigang pag unlad, habang panahon kakapit ang karamihan sa patalim. Ngunit kapag sinimulan natin ngayon, sinisigurado sa ganitong paraan, sa anim hanggang walong taon lang (6 to 8 years only!) babangon ang Pilipinas tulad ng Japan o Singapore o mas higit pa.

“This nation can be great again. This I have said over and over. It is my articles of faith, and Divine Providence has willed that you and I can now translate this faith into deeds.” ~ Ferdinand Marcos, SONA, January 24, 1966.

Author: Santiago Vargas of Definitely Filipino (This article are opinions of their respective authors and not necessarily of Stunning and Interesting Facts that you Didn’t Know admins.)

Source: https://www.facebook.com/photo.php?fbid=340148852706739&set=a.333271893394435.86243.289243791130579&type=1 

Blogs with no direction yet.

(via carlop)

[3-17-18-2012] Mt. Talamitam part 2

[3-17-18-2012] Mt. Talamitam part 1
Second climb ko na dito. Nice climb with comountaineers at kasama din ang ibang tropa. 

Feelings are the easiest thing in the world. It opens up once when you close your eyes. And it’s not a revolving door but like a merry go round. It’s a thing that can be enjoyed by many people happily.

“Chances are something people have to make.”

– Jin Ho

“Not only do you have to trust the definite, you must also trust the uncertainty.”

– Young Do

“If you think for too long, you will lose all your courage.” (Oh Hyuk)

Do you know what it means to be an adult? It means there’s less and less to smile about. So we’ll have to smile even more, even if we have to force it.

“Your drama has a long way to go before it’s over. So don’t force yourself to go quickly. If you go slowly, you can see a lot more, in more detail, than the people who go quickly. If you ask me who would grow more between those two, I’d say it’s the one who goes slowly and sees a lot.”– Oh-hyuk

“They say that there are two types of happiness. One is a happiness that you realize after the fact and the other is a happiness you feel in the moment. That happiness you feel in the moment is so precious that they say that the memories of this kind of happiness can stay with you and enlighten your life. Maybe we’ll go on remembering this moment today, like that kind of happiness… that we can remember for the rest of our lives, the moment when we shined.” – Jin-gook

It had never occurred to me that our lives,which had been so closely interwoven,could unravel with such speed. If I’d known maybe I’d have kept tighter hold of them and not let unseen tides pull us apart.

TROLOLOL

Imba kahapon naiwanan ako ng bus para sa seminar namin . Six am ang call time 6 am ako nagising.Hindi kasi gumana yung alarm ng cellphone.Wala namang gigising sakin gawa ng mag-isa lang sa bahay tapos one hour yung biyahe papuntang skul kaya pumunta na lang sa bahay ng tropa movie trip hanggang 8 pm . Solve pa rin ^^